Feeds:
Mga Paskil
Mga Puna

inspirasyon mula sa blog ng aking kapwa kaaklase( ;) pakihanap na lamang sa diksyunaryo sa aming sild-aklasan –nasaan? mapagpaplanuhan iyan.sa ngayon ay magtyaga ka muna sa pagtarok ng kahulugan sa pamamagitan ng mga context clue.) na si G. Lapis (oh ayan! bidang-bida ka na naman! :)

karakter: B. Eraser at B. Gunting ( sa wakas! napatunayan na’ng kasali talaga kami rito! )

kanina..mga bandang alas-kwatro nuon. matapos ang Sunday service nang mapagdesisyunan namin ni B. Gunting na mamasyal sa kahabaan ng Taft Ave., naglakad ng bonggang-bongga.., Sige lakad.. Lakad pa.. May dyip.. May karatula : Padre Faura – Cubao (yata) ? Winika ko sa kanya..

” Tara kaya sa P. Faura? “

Sumagot siya ng tanong rin ” Saan ba yon?”

Sumagot naman ako ng pabalang ” Aba eh malay ko. Aku’y taga probinsya at Ika’y taga Pasig” (pero d ko tlga sinabi yan..Sa icp lang.. Hehe.

Habang nagtatalo ay may nakita kaming signpost… Ayun. Dun sa mismong kinatatayuan namin eh ayun na pala mismo yon! . Tumawid kami makalipas ang 2 kilometro. Nakakasura.

Siya.. Ayun. Tapusin na dyan kase di naman yan mahalaga masyado.. hehe

Sumakay kami ng jeep papuntang Quiapo. Pupunta kami sa Isettan para mag Mcdo. Sabe ko sa kanya: ” Aba dear! pumara naman tayo ng sakto at palagi tayong naglalakad ng pagkalayu-layo! “

Blah.. Blah.. Blah.. Dumakdak ng dumakdak c Vininvining Gunting at humagalpak ng humagalpak ewan ko ba.Celtics tlga yun.

.Makalagpas ng Isettan lumusot dun sa Underground! Lagpas na kami! Syempre kabado c B. Gunting,  bahagya akong napaiktad .. (bahagya lang naman , sabihin mu naman ang OA ko! ) pero kalmado lang sa totoo.

“Para! ..” sumigaw naman ang nagpapanik na c Gunting.

“Uy, nu ka ba.. nasa gitna tayo.D pwede dito” syempre nagmamarunong as always.

Huminto ang dyip. Tumwid kami. Kunwari alam namin.

Napagtanto namin na nasa Morayta kami.

“Wag kang kabahan at nasa Maynila pa rin tayo! Matakot ka kung nakalabas tayo ng Lela..” ako yan.

Lakad forever. Lakad. Lakad. Ayun may Mcdo! Naku. Mukhang luma na at mukhang hindi tumatanggap ng mga makabagong discount coupons.Hehe.

Balik sa orihinal na plano: Isettan. Tatapusin ko na rito ang paglalakbay namin patungo roon at baka maiyak lang kayo kasi matapos naming makarating doon at matapos naming madaanan at subukang ‘wag sumulyap man lang sa mga lalaking nagsasayaw ng Tagalog version ng “Oh baby, baby baby..”  ( pinalakpakan sila ng tao jan eh wala naman pala ang hinahanap namin doon!

Wag kayong mag-alala kasi in the end nakamit namin ang huling halakhak! hahahahah..

Nakakain pa rin kami. Yun nga lang, matapos pa ang jurassic years. Hay.

Joker si God eh! Maloko… Tawa na lang kami. Ayun na ang pinakamsarap na Burger at Fries sa buong paglalakbay namin ni Kakosang Gunting! !

“Ang Unang Pagpupulong”
Iniwasto ni Ginoong Lapis II

Walang kape. Walang lcd projector. Walang nakalapag na laptop sa ibabaw ng mahabang office table. Hindi kami nagmiting sa mala-aircon na conference room. In short, walang budget. Sa gilid lang ng faculty room ng college of education, sa dalawang mahahabang upuaan, habang nanggugulo si kuya raydel na anak ni dean, (nyaha! Sana hindi niya mabasa ‘to..), dito nagsimula na mag-alab ang isang rebolusyon sa puso ng mga nagmamapilit na manunulat (kasama ako).

Ganito talaga kapag nagsisimula ang isang organisasyon. Sabi nga ng mga oldies, kung maikli ang kumot, magkurtina ka! Este, matuto tayong mamaluktot. Hinahangaan ko talaga ang mga word of wisdom nitong ating mga magulang. Akala lang natin, gawa-gawa lang nila na nakuha sa pakikipagtsismisan sa mga kumare nila sa labasan. Pero ang mga ganitong aral ang dapat line-lesson sa values education, sinasama sa plataporma at SONA ng presidente ng PILIPINAS at isinasagot ng Miss Philippines sa Miss Universe o kaya sa Miss International, para naman magkaroon ng sense ang buhay. Db?

Balik tayo sa miting. Naroroon pala sina ‘ginoong kwaderno’, ‘ginoong panukat’, ‘binibining eraser’, ‘binibing gunting’ at ang inyong lingkod na si ‘ginoong lapis’. Pinag-usapan lang naman namin ang mariing pagpapabagsak sa rehimeng BOB ONG.

Hinggil sa aming profesor sa PANITIKAN, isang mahusay na manunulat at kritiko galing UP diliman, ‘nakakatawa talaga ang mga sulat ni BOB ONG pero hindi ko siya gusto… (bakit kamo?)… walang kaisahan ang kanyang mga sulat… pasikot-sikot ng wala namang patutunguhan.’ Aba! At ginatungan pa ni sir ang aming pakikipaglaban.

Hindi naman iyon ang dahilan ng aming pag-aalsa. Nasabi ko lang para may kakampi kami, at profesor pa. Ang dahilan? Ang mga mali maling word of wisdom ni BOB ONG. Paano naging mali? Aming palalawigin pa ang usaping ito sa mga susunod na forum. Sa ngayon, kinekwento ko palang ang nangyari sa miting. Wag masyadong excited. Kasi, ang taong matulin, kung matinik ay malalim. Kaya nga, kung ayaw niyong matinik ng malalim. Huwag magmadali sa buhay. Hinay-hinay lang gaya ng kotse ni MR. BEAN.

Balik sa miting. Nagsimula ito sa ganap na alas kwatro ng hapon, Ika dalawa ng septyembre, taong dalawang libo at walo. Mainit ang balitaktakan. Nagkakatalsikan pa ng laway dahil sa usaping nais ipaglaban ng bawat isa. Gayundin, ayaw rin naming makahon lamang ang rebolusyon sa mali-maling prinsipyo ni BOB ONG. Gusto rin naming magising ang mga matatanda sa magagawa ng kabataan, na tayong mga kabataan ay may karapatang magsalita. May karapatang malaman ang mga maling ginagawa ng matatanda. Gayunpaman may responsibilidad pa rin tayong galangin sila bilang ating nanay at tatay. Sabi nga, papunta palang tayo, pabalik na sila. Ang tanong ng ilan: bakit hindi tayo nagtagpo sa iisang daan? (aba! Pilospo tasyo ang nagtanong nito..) Pero ito ang maaring sagot: (1) mali ang dinaanan mo. O kaya, (2) Iba ang dinaanan nila. Sino kaya ang dumaan sa maling landas? (o dba? Makulay ang mga salawikain ng ating mga ninuno. Bali-baliktarin mo man, ayun at ayon pa rin gustong sabihin..)

Ooopss.. balik ulit sa miting. Nagbrain storming kami nang panahon na iyon. Sila ang brain, ako ang storm. At ang storm ay nakatutulong para gumalaw ang brain. Ibigsabihin, ang bida pa rin ay ako! Hehehe.. jowk lang. Alam ko naman na sa kanilang ideya nanggaling ang mga ito.

Sa pagtatapos ng aming pagpupulong nabuo ang ‘vision’ ng aming movement. At ito iyon:

“Upang makakita ang mga bingi. Makapagsalita ang mga bulag. At makalakad ang mga piping kabataan sa ating bansa.”

To be continued….. (bitin? Inipit!)

Isang napakagandang aral mula sa isang bagitong manunulat.

Napaka meaningful. Kayo na raw ang bahalang mag-interpret at mag-adjust. Basta meaningful yan!

MALAPIT nang dumating ang mga nag-aalsa sa rehimeng BOB ONG!

ABANGAN!

- ginoong lapis

- binining eraser

- binining gunting

- ginoong kwaderno

- ginoong panukat